ICEBREAKER — Buhay ng mga Pilipino sa Arktiko | Stand for Truth

2023-02-15 2

Ang Svalbard sa Norway ay isang islang nasa Arctic Circle at malapit sa North Pole.

Dulot ng malamig na klima, maliit lang ang populasyon ng tao at nagkalat ang mga polar bear.

Bukod dito, sa Marso pa nila inaasahang makita muli ang araw.

Kumusta kaya ang mga Pilipinong naninirahan dito? Ang patuloy na pagtunaw ng yelo sa isla, may epekto nga ba sa Pilipinas?